INAABUSO AKO NG AKING ASAWA
Wala akong ibang hinahangad kundi isang kumpleto at perpektong pamilya. Noong una, si Jeff ay naging mabuting asawa sa akin at isang mabuting ama sa aming dalawang anak, na parehong babae. Hanggang sa unti-unting nagbago, at naging lasingero siya, atmadalas niya akong saktan. Isang gabi at kakauwi lang niya galing duty.
"Bilisan ninyong dalawa, pumasok na kayo sa kwarto niyo dahil nandito na ang daddy!" Mabilis kong pinapasok ang aking dalawang anak na babae sa kanilang silid. Napansin ko kasi na lasing ang asawa ko.
Mabilis silang pumasok sa kwarto dahil sa takot na baka masaktan na naman sila.
“—Jenny!” sinigaw niya ang pangalan ko.
"Papunta na ako, Jeff." Tumakbo ako papunta sa kanya dahil kung hindi ay tiyak na dadapo na naman ang kamao niya sa katawan ko.
"Nagugutom ako, may pagkain ba?" seryosong tanong niya sa akin.
"Oo. Halika sa kusina at ihahanda ko ang pagkain mo."
Pumunta kaming dalawa sa kusina at medyo nauna ako sa kanya. "Jeff, anong ginagawa mo?!" Nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap mula sa likod at ang dalawang kamay niya ay nasa dibdib ko.
"Nagrereklamo ka ba ngayon?!" sigaw niya sa akin.
"Hindi naman sa gano'n. Pero hindi dito, baka makita tayo ng mga anak natin."
"Gusto ko dito, hindi mo ako mapipigilan!" Sa nakikita ko, hindi ko siya mapigilan.
"Huwag kang sumigaw, maririnig ka ng mga bata," matigas na sabi ko sa kanya.
"Ang dami mong reklamo!"
Bigla niya akong tinulak paatras at bumagsak ang katawan ko sa mesa. Lumapit siya sa akin habang nakahiga sa mesa at pilit na hinubad ang p@nty ko.
"Anong kalokohan ang ginagawa mo, Jeff?!" sigaw ko sa kanya.
Lumaban ako nang husto dahil hindi ko gusto ang ginagawa niya sa akin. Pero mas nagalit ang asawa ko at bigla akong sinuntok sa tiyan.
"Tama na, Jeff." Nagmamakaawa ako, pero hindi niya ako pinakinggan.
"Pinilit mo akong saktan ka!" Sabay hampas niya sa pisngi ko. Walang tigil ang asawa ko sa pagsuntok sa aking katawan hanggang sa nanghina ako at bumagsak sa sahig.
"Wala kang kwenta!" Sabay sinipa niya ako kahi, nakahandusay ang katawan ko sa sahig. Tapos tinalikuran niya ako at lumabas ulit ng bahay.
Nang marinig ng aking mga anak ang pag-alis ng sasakyan ng kanilang ama, mabilis silang lumabas ng silid at pumunta sa kusina.
"Mommy, okay ka lang?" tanong ng panganay kong anak.
"Tulungan n'yo akong bumangon. Pupunta tayo sa bahay ng lola n'yo." utos ko sa aking mga anak na babae.
"Jenny, kailan ka ba magigising? Araw-araw kang nagdurusa sa pang-aabuso niya. Ano ang mangyayari sa mga anak mo? Baka sila na ang susunod." naiiyak na tanong ng mama ko.
"Ma, kaya kong tiisin ang lahat, at ayokong mawalan ng ama ang mga anak ko. Protektahan ko ang aking mga anak sa abot ng aking makakaya. Pangako gagawin ko ang lahat para hindi sila madamay." sagot ko naman.
"Ngunit gaano katagal?" tanong niya ulit.
"Hindi ko po alam. Iniisip ko lang po ang dalawa kong anak," sagot ko.
Walang tigil ang pagpatak ng luha ni mama habang pinupunasan ng mainit na tubig ang mga pasa sa katawan ko. Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Sa edad na labing-walong taong gulang, nagpakasal ako sa isang pulis. Si Jeff Lim, na may kaya at kilala ang kanilang pamilya.
Noong una, mabait siya at mabuting asawa sa akin, hanggang sa ipinanganak ko ang aming panganay na babae. Punong-puno ako ng pag-aalaga at pagmamahal niya, pero noong buntis ako sa pangalawa kong anak, biglang nagbago si Jeff. Hindi ko maintindihan kung bakit at ano ang dahilan dahil hindi ako nagbago, at wala akong ginawang masama sa asawa ko.
Hanggang ngayon, minamaltrato pa rin niya ako. Lalo na kapag umuwi siyang lasing, sinasaktan niya ako. Mahal na mahal ko si Jeff, at isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw kong iwan ang asawa ko. At lalo na kapag naiisip ko ang kahirapan ng aking pamilya. Hindi ako nakapagtapos ng high school, kaya ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong iwan ang aking asawa. Sapagkat ayokong maghirap ang dalawa kong anak.
"Mommy... mommy. Daddy is here..." sigaw ng aking bunsong anak na si Michelle.
Alam ko ang gusto ng asawa ko, susunduin niya ako at ang mga bata.
"Jenny, sasama ka sa kanya?" mahinang tanong ng ina ko.
"Para sa kapakanan ng mga anak ko, sasama ako sa kanya, ma," sagot ko.
Wala kaming tatay, dahil namatay siya sa isang aksidente, kaya lalong naghihirap ang ina ko. Maliit lang ang bahay namin, at lupa lang ang sahig. Unang lumabas ang mama ko, at tinanong kami ni Jeff nang makita niya ang ina ko.
"Ang asawa ko, ma. Nasaan siya?" tanong ni Jeff.
"Sa kwarto." Iniyuko niya ang kanyang ulo at pinipigilan ang galit na nararamdaman ng kanyang puso.
"Gusto ko silang kunin, ma." Kalmado ang tono ng boses, niya na para bang concern na concern siya sa amin.
"Jeff, maawa ka sa anak ko, huwag kang malupit sa kanya, isipin mo na siya ang nanay ng mga anak mo." Pagmamakaawa ng aking ina, sabay punas sa kanyang mga luha.
"Patawarin mo ako, ma. Hindi ko sinasadya, baka nadala lang ako sa alak, lalo na't may problema sa trabaho," sabi niya.
"Jeff, iwan mo sa trabaho ang mga problema. Hindi dapat iuwi sa bahay. Kung ako lang ang tatanungin, hindi ko ibibigay ang anak ko sa'yo, Pero minahal ka nang sobra ni Jenny," paliwanag ng aking ina.
"Mahal ko rin si Jenny. Minsan lang nagkaproblema kaya hindi maiwasang ang init ng ulo,” turan niya.
"Kung may problema dapat pag-usapan ito nang maayos, hindi sa pamamagitan ng pagmupit mo sa kanya," pahayag ulit ng aking ina.
"Don't worry, ma. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit," pangako niya sa harap ng aking ina.
"Aasahan ko iyan, Jeff." Naniwala naman ang aking ina.
Tinawag ako ng mama ko, at kumapit ang mga anak ko sa aking pantalon. Lumabas kami at nagpaalam ng maayos sa aking ina.
"Mag-ingat ka, Jenny. Kung hindi mo na kaya, umuwi ka na at maghihintay ako," sabi ng ina ko.
"Oo, mama." Sabay yakap ko sa kanya, at ganoon din ang aking mga anak.
Hanggang sa umalis na kami sa bahay ng aking ina. Nakaupo ako sa harap, katabi ng asawa ko, at nasa likod na upuan ang dalawa kong anak.
"Mula ngayon, hindi ka na uuwi!" seryosong sabi ni Jeff na hindi tumitingin sa akin. Hindi ako sumagot at tumingin ako sa labas ng bintana.
"Hoy! Jenny — Narinig mo ba ako?!" bulyaw niya sa akin.
"Oo, Jeff, narinig kita," tugon ko. Subalit hindi ako nakatingin sa kanya.
"Daddy, bakit hindi na tayo pumunta sa bahay ni lola?" inosente na tanong ng panganay kong anak na si Richelle. Siya ay anim na taong gulang at si Michelle ay limang taong gulang naman.
"Wala nang tanong nang tanong!" galit niyang sabi sa mga anak namin.
"Pero bakit, daddy?" muling tanong ng panganay naming anak.
"I said stop asking! Hindi ba kayo nag-aaral?!" galit at sigaw niyang sibi sa mga anak namin.
"Okay, daday..." malungkot na sagot ng dalawa kong anak.
At sinabihan sila ni Jeff na unahin muna ang kanilang pag-aaral. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay namin at dali-dali akong bumaba ng sasakyan para ihanda ang hapunan namin. Kasalukuyan akong nagluluto, nang tumawag ang aking asawa mula sa sala.
"Jen... Jenny!" sigaw niya.
"Bakit, Jeff?" Mabilis akong dumating sa harapan niya.
"Bilhan mo ako ng isang bote ng beer," matigas niyang utos.
"Sandali lang, Jeff. Tatapusin ko lang itong pritong isda," saad ko, dahil nasa apoy pa rin ang niluluto ko.
"Bilhan mo muna ako, gusto ko kasi uminom!" pamimilit niya.
Nagsimulang tumaas muli ang kanyang boses, kaya pinatay ko na lang muna ang tangke. Sa takot ko, tumakbo ako para kunin ang pera.
"Nasaan ang pera?" tanong ko habang walang tigil sa panginginig ang kamay ko.
"Ito! Bilisan mo, ha!" Pabagsak niyang nilagay ang pera sa aking kamay.
Masakit man para sa akin na tratuhin niya ako na parang utusan. Bilang isang ina at asawa, tiniis ko.