Alyas Pogi AiTenshi June 14, 2017 Happy Birthday AiTenshi!! Part 10 Matapos ang hapunan ay niyaya ako ni Bogs na makipag usap sa kanya kaya naman dinala ko siya sa balkunahe sa itaas ng aking silid. Nag dala rin ako ng tatlong boteng alak at mga de latang pulutan. Naupo ako sa sofang gawa sa kahoy samantalang si Bogs naman ay sumalampak lang sa sahig habang naka sandal sa pader. Hinubad rin niya ang kanyang polong suot at tanging puting sando lang na pakat sa kanyang dibdib ang natira sa kanyang katawan. Hindi ko tuloy maiwasang titigan ang kanyang kagwapuhan habang abala sa sasalin ng pulutan sa plato. “Kanina ka pa nakatitig sa akin ah. Na gagwapuhan ka no?” puna niya habang naka ngising aso. “Hindi rin, feeling mo naman lahat ng tao sa mundo ay pinag nanasahan ka.” pang a