Alyas Pogi
AiTenshi
June 2, 2017
Kitang kita ang kanyang magandang katawan, putok ang dibdib, may abs, ang bewang ay maliit ay ang braso ay bilugan. Halos napa nga nga lang lahat dahil sa pag kamangha. Pati ako hindi rin agad naka kibo na parang natutulala ako sa kanyang anyo, anghel ito ngunit nakaka demonyo ang gwapuhan. Tama nga sila, mukha siya ang pinaka gwapo at pinaka malakas ang dating doon sa kanilang compound. Siya si Bogart Linsangan, ang “Alyas Pogi.”
Part 8
Isang naka yayanig na hiyawan ang sumalubong kay Bogs noong lumabas ito suot ng costume ng isang anghel. Kitang kita ang kanyang bukod na may kalakihan kaya mas lalo pang naulol ang mga manonood. Noong una ay naka tayo lang lang ito seryoso ang mukha at walang paki alam sa mga tao sa kanyang paligid. Hanggang sa makalipas ang ilang sandali ay tumugtog ang isang instrumental music sa saliw ng “The one you love” at doon ay nag simula na itong kumilos.
Muling namangha ang mga tao sa paligid noong mag simulang gumiling ang kanyang bewang habang ang kamay ay humahaplos sa kanyang matambok na dibdib. Ang mata ay mapungay na parang libog na libog, nang aakit at talagang napaka epektibo ng kanyang ginagawang pag titig sa mga manonood na malapit sa kanya.
Patuloy siya sa ginagawang pag sasayaw hanggang lumuhod ito habang gumigiling, umaalon ang katawan at paminsan minsan ay napapaliyad pa na parang sarap na sarap. Kapansin pansin rin ang bukol sa kanyang harap na parang lumalaki at mas lalong bumabakat.
Napapa kagat labi nalang ang mga manonood sa kanyang pag giling hanggang sa maya maya ay biglang bumuhos ang tubig sa itaas ng entablado na animo mahinang shower dahilan para mabasa ang katawan nito at ang puting pajama ay pumakat sa kanyang katawan, sa ganoong pag kakataon ay mas lalo pang naaninag ng mga taong nanonood ang bukol na bukol na pag kalalaki ni Bogs. Makapal ang suot niyang brief ngunit hindi maitatatwa na malaki talaga ang nasa loob nito. Idagdag mo pa ang manipis na balahibong pusa na nasa ilalim ng kanya pusod na syang lalong nag bibigay ng ka sexyhan sa kanyang pag sshow.
Ilang minuto rin sa ganoong pag himas si Bogs sa kanyang basing katawan hanggang sa bumaba ang kanyang palad sa kanyang pag kalalaki at dinukot ito habang sumasayaw. Ito ang dahilan para mas lalong maulol ang mga tao sa paligid. Ang ilan sa kanila ay hindi napigilan tumayo at mag ipit ng pera sa salawal ng binata.
Lumabas si Bogs ng selda at doon ay mas lalo pang pinag igihan ang pag aakit sa mga nanonood dahilan para mas dumami pa ang nag iipit ng pera sa kanyang bewang. Ni hindi na mabilang ang mga ito. Mga limang daan, lilibuhin at ang iba ay talagang malalaking halaga. Ibang klase talaga ang karisma nitong si Bogs. Maya maya ay tumayo naman ang isang matandang beki may hawak ito cellphone at lumapit kay Bogs. Nag ipit siya ng pera sa bewang nito malapit sa pusod patapat sa ari ng binatang gumigiling. “Alisin mo na!! Alisin mo yang brief mo!! Please!!” ang wika ng matanda samantalang si Bogs naman ay patuloy lang sa pang aakit sa entablado. Inalis niya ang pera sa kanyang bewang at inilagay sa gilid kasabay nito ang marahang pag alis niya ng kanyang pajamang basa. Ngayon ay tanging puting brief nalang ang kanyang saplot at noong siya ay tumalikod ay nag sigawan ang lahat dahil naka T-Back nalang ito. Bumuyangyang ang pisngi ng kanyang pwet na makinis, matambok at maputi.
Ngumisi ito na animo gago at muli nag simulang gumiling. “Alisin mo na!! Please!! Pakita mo naaa!” ang wika ng matandang hayok na hayok sa kanyang nakikita.
“Ipakita mo, Take it off, take it off!!” ang dagdag pa nito at maya maya ay biglang napahawak sa kanyang dibdib at napaluhod nalang.
“AY! Si mader inaatake sa puso!” ang wika ng mga beki sa harap.
“Grabe iba talaga karisma ni papa Bogs, literal na nakakamatay!!” ang wika naman ni Yani samantalang ang mga bouncer naman sa bar ay binuhat ang lantang gulay na katawan ng matandang inatake. Tuloy lang din sa pag sasayaw si Bogs na parang walang nangyari, hindi alitana na may napatay ang kanyang alindog at mas lalo pang itinodo ang pag giling habang hinihimas ang kanyang ari na patigas ng patigas.
“Bakit ganon? May inatake na nga sa puso tuloy pa rin? Seriously?” tanong ko sa beking bata na aking katabi.
“Ma at pa noh, malay ko at paki alam ko sa thunder bird na iyon. Last year nga eh may namatay din na matandang matrona dahil sa sobrang excitement. Saka kasalanan niya iyon dahil nag padala sya sa kanyang matinding pag nanasa.” Maarteng sagot ng batang beki habang sinusundan ng tingin ang pag hila ng medics sa katawan matandang pobreng inatake sa puso.
“Eh mga abnotic pala yung mga tao dito.” Bulong ko kay Yani
“Nababaliw na sila sa sobrang kagwapuhan ni papa Bogs, tingnan mo naman napaka gwapo, napaka macho at napaka sexy. Ang abs, ang braso, ang dibdib, ang bukol. Worth it na iyan para mamatay sila.” ang wika ni Yani dahilan para mapailing nalang ako sa aking kinauupuan.
Tumagal ng ilang minuto ang pag sasayaw ni Bogs at para sa pinaka finaleng moves ay binibaba nito ng bahagya ang kanyang brief at pinasilip ang manipis na buhok sa itaas ng kanyang pag kalalaki dahilan para mas lalong mag wala at ma ulol ang lahat ng nanonood. Akit na akit ang lahat sa kanyang mga titig at nakaka lokong ngiti na parang nang aakit, yung tipong kapag napatingin ka sa kanyang mata ay tiyak na bihag kana ng kanyang makamandag na salamangka at wala kang magagawa para takasan ito.
Matapos ang makasaysayang performance ni Bogs ay nanatili itong nakatayo sa entablado habang patuloy na iniipitan pera sa kanyang suot na underwear. May nag aabot pa ng bulaklak, tsokolate, teddy bear at kung ano ano pang regalo. Ang mokong naman ay naka ngiti lang at paminsan minsan ay kumakaway pa na animo artista. Maya maya ay lumabas naman ang isang lalaki na may hawak na mikropono. Mukhang siya ang may ari ng Bar batay sa kanyang pormal na kasuotan.
Palakpakan ang mga tao..
“Nag init ba kayo? Palakpakan naman natin si Bogart Linsangan ang Alyas Pogi ng Compound Bagong buhay, bagong pag asa street!! Kaloka ang compound nyo ha, halos lahat ng lalaki ay gwapo. Ibang level, nag iisip na nga ako na mag tayo ng bahay diyan.” Ang biro ng lalaki.
Tawanan ang lahat..
“Pero anyway, hindi pa rito natatapos ang palabas dahil ngayon palang mag sisimula ang high light n gating programa. Ngayon ay nilagyan namin ng twist ang ating munting palabas. Excited na ba kayo?” ang tanong nito.
Hiyawan ang mga nanonood. “OO!!! Game na!!!” sigaw ng mga ito.
“Pero bago iyon, nais kong ipaliwanag sa inyo kung ano ba ang twist na sinasabi ko. Ngayon gabi ay maswerte tayo dahil pumayag si Bogs na makipag date sa isa sa inyo. Ang ibig sabihin ay maaari niyo siyang masolo ngayong gabi!! Ang saya saya hano?” ang tanong nito na may halong kilig at excitement.
Hiyawan ulit, ang iba ay halos atakihin sa matinding pananabik..
“Maaari ninyo iuwi si Bogs ngayong gabi KUNG mananalo kayo sa ating bidding! Pataasan lang, the highest bid will win! At mag sisimula ito sa halagang 1,000 pesos!” ang paliwanag ng Emcee
Palakpakan ang mga tao..
Maya maya ay biglang nag taas ng kamay ng beking bata na aking katabi at sumigaw ng “1,500!!”. Napatingin na lamang ako sa kanya, talagang sumali sa subasta ang bagets. “Parang sinabi mo kanina na wala kang baon tapos sasali ka pa?” ang tanong ko sa kanya.
“Allowance ko ito ng isang buwan!! Hindi ako mag papatalo!! Sa akin si Papa Bogs ngayong gabi!!” ang wika niya na may halong pang gigigil.
Maya maya ay nag sunod sunod na ang bidding ng mga tao.
“2000!” ang sigaw sa harap
“2800” ang sigaw sa likod.
“3000!!!” Ang sigaw ng batang beki na aking katabi na talagang hindi nag papatalo.
“3600!!” Ang sigaw sa harap
“3000 pesos plus iphone 6!!!” ang sigaw ulit ng beking bata dahilan para mailing na lang ako.
Habang nasa ganoong panonood ako ay laking gulat ko noong biglang hawakan ni Yani ang aking kamay at sumigaw ito “8000 pesos!!!” dahilan para mag tinginan sa akin ang mga kaklase ko at ibang guro.
“Wow! 8000 pesos from that handsome guy at the back!!” ang wika host dahilan para mapatingin sa akin lahat at mapangiwi naman ako.
“Si Jom iyon ah!! Gusto niyang iuwi si Bogs?” ang bulungan ng magi to dahilan para lumubog ako sa aking kina uupuan.
“Putaa!! Anong ginagawa mo?!! Bakit pati ako?! Nakakahiya!!” paninita ko kay Yani
“Hindi tayo papatalo no, tig 4k tayo. Para sa iyo to frend!! Lalaban tayo!” ang wika ni Yani
“Ang lalandi nyo naman mga teh, kunwari ayaw nyo pa tapos eentrada kayo nang ganyan? Imbyerna ha!” ang reklamo ng batang beki sa aking tabi.
“Higher than 8000 pesos?” ang tanong Emcee
“9000!” Sigaw sa likod
“10,500 pesos with rolex!! May kasama pang Samsung J5 at wallet ko na may picture!!!” ang sigaw ni Yani dahilan para mag tawanan lahat.
“Higher than 10,500 plus rolex, Samsung J5 and wallet?” ang tanong ng emcee
Wala nang kumibo at nag bid pero pinag titinginan naman ako ng mga guro at kaklase “Grabe ibinigay na ni Jomar ang lahat para sa isang gabing date kay Bogart?!” ang bulungan ng mga ito dahilan para mapatakip nalang ako ng mukha. “Uuwi na ako, nakakahiya” ang wika ko sabay tayo sa aking kinauupuan ng bigla akong hitakin pabalik ni Bayani.
“Ayyy wititit!! Hindi ka aalis dahil wala nang nag bid!! Winner na tayo frend, mga poorita naman pala mga tao dito eh.” ang wika ni Yani habang naka ngising aso. Ngayon isipin mo na kung anong gagawin mo kay Papa Bogs!! Sa iyo siya ngayong gabi!!” ang dagdag pa niya na talagang proud na proud sa kanyang sarili.
“20,000 pesos!” ang sigaw naman ng lalaking matanda sa harapan dahilan para mapanga-nga nalang kami.
“Imbyerna ha!! Lalaki na nagging abo pa.” ang bulong ni Yani
“Higher than 20 000 pesos?” tanong ng Emcee
“Higher daw!! Palag!!” ang pag paparinig ng baklitang katabi ko na hindi maitago ang pag kainis.
“Gusto mo ibenta kita para makapalag kami? Baklitang to!” ang tanong ni Yani.
“Shhh huwag mo na patulan.” Pigil ko naman.
“20, 000 pesos! SOLD!!!” ang wika ng Emcee.
Palak pakan ang mga tao at ang matandang beki naman na nanalo ay agad na umakyat ng entablado at niyakap yakap si Bogs.
“Ayan na talo tuloy tayo ni thunders. Tingnan mo kung makalingkis siya kay Papa Bogs ay ganoonnalang.” Reklamo ni Yani
“Wala na tayong magagawa saka mukang Masaya naman si Bogs. Isa pa ay mukhang mayaman yung nanalo tiyak na kumikinang ang mga mata niyan sa daming alahas ni tanda sa leeg. Manggagantso at mangingikil pa naman iyang mokong na iyan!” tugon ko naman.
“Naku im sure nasasaktan kana dahil sa iba napunta si papa Bogs. Pero anyway nag put naman tayong good fight talaga lang wala tayong budget para talunin yung bente mil niya. Hayaan mo next year ay mag iipon tayo para kapag si papa Bogs ulit ay 50 thousand na ang ibabagsak natin. Tingnan natin kundi malula iyang mga beki na iyan!” wika ni Yani na may halong pagkainis.
“Hindi na noh, kanya na iyang si Bogart! Halika na nga baka ma STD pa tayo dito!” ang tugon ko sabay hatak sa kanya patayo. Mabilis kaming umalis sa loob ng venue upang hindi na maipit pa sa dami ng mga taong lalabas mamaya. Yung tipong dinaig pa nya ang pelikula ni Sarah Geromino at John Loyd Cruz. Siguro kung mag bobold star itong si Bogs ay baka tumaas ang kalidad ng pelikulang Pilipino.
“Ano ka ba frend, hindi mo dapat ipinahahalatang na huhurt ka.” Pang aasar ni Yani
“Ikaw ang mahuhurt sa akin mamaya kapag hindi ka tumigil diyan.” Asar kong sagot
Hindi ko na alam kung anong mga sumunod na nangyari kay Bogs basta ang huli ko lang nakita ay nililingkis ng matandang bekiang kanyanghubad na katawan. At mukhang enjoy na enjoy naman siya sa kanyang ginagawa. Kaunting giling lang at pang aakit ay kumita na agad siya ng maraming pera, mga bagay na gustong gusto naman niya. At isa pa ay hindi ko na kailangang lumapit kay Bogs dahil tapos na ang agenda niya sa akin.Kung pagmamasdang mabuti ay ibangiba ang uri ng pamumuhay niya sa akin, sa kanya ay parang madali ang lahat, yung para bang walang inaalala o iniisip na problema sa buhay. Ang lahat ay laro laro lamang at dinadaan sa kanyang kagwapuhan.
Habang nasa ganoong pag iisip ako ay hindi sinasadyang makasalubong ko si Andy na noon ay may dalang grocery. Iiwas pa sana ako ngunit hindi ko na nagawa dahil huli na ang lahat. “Aba, anong ginagawa mo dito Jom?” ang tanong ni Andy noong Makita kaming palabas ng Bar.
“Wala, edi nanood ng show.” Sagot ni Yani
“Ah show ni Bogart Linsangan ang callboy s***h dancer ng taon. Ayos ahh matapos rumaket sa iyo bilang BOYFRIEND ay rumaket naman dito sa bar para ibuyayang at ang buong pagkatao niya. So cheap! Pero infairness malaki ang nota nya ha.” Maarteng wika ni Andy
“Sinuportahan lang ni Jomar ang bf niya. Walang masama doon.” Sabad ni Yani bagamat napa isip ako na malaking pag kakamali itong ginawa naming panonood. Sino ba naman kasing kasintahan sa mundo ang papayag na mag buyayang ng katawan ang kanyang karelasyon sa harap ng maraming tao. Malamang ay buking na nga kami. Gusto ko na lang hitakin si Bayani at tumakbo palayo kay Andy.
“Bf who? Pwede ba huwag niyo na akong paikutin dahil hindi naman ako trumpo! Alam ko na ang lahat ng tungkol sa panloloko nyo sa amin. Alam kong binayaran nyo lang si Bogart para mag panggap na BF. Bakit ko na laman? Dahil business na ni Bogart ang mag panggap na Jowa para sa mga desperado at kawawang katulad mo. Noong isang araw ay birthday ng pinsan kong babaeng mataba at panget na tipong mga magulang lang niya ang siguro mag mamahal sa kanya, pero mali ang lahat ng iyon dahil noong gabi ng kaarawan niya ay ipinakilalaniyang BF si Bogart Linsangan sa buong barangay namin. Sweet na sweet nga ang dalawa at nag halikan pa sa harap namin katulad ng ginawa nyo. At noong gabi ring iyon ay umamin ang pobreng pinsan ko sa amin na binayaran lang niya si Bogart ng halagang 6 na libong piso kasama pati padamit. Tingnan mo?! Hindi mo lang kami niloko kundi niloko mo rin ang sarili mo. Loser!!” Ang wika ni Andy dahilan para matahimik ako.
Noong mga sandaling iyon ay hindi ko na nagawang mag salita dahil ibayong hiya sa kanya at sa aking sarili naman ang lumukob sa aking pagkatao. Pakiwari ko ba ay binuhusan ako ng isang dram ng malamig na tubig sa mukha sa matinding pagkabigla. Parang panandalian umipit ang puso ang aking lalamunan kaya’t kahit isang salita ay hindi ko nabigkas upang ipag tanggol ang aking sarili. “Huwag kana sumagot Jomar, wala ka na rin naming lusot eh. Sa dami rami ba naman kasi ng gwapong tambay doon sa kanto ay pinili mo pa ang pinakmabili, best seller at parating sold out. Hayan tuloy maaga kang na buking. Pero anyway I have something for you.” Dagdag ni Andy sabay dukot ng kung anong bagay sa kanyang bag.
“Heto ang sash mo! Mas bagay sa iyo ito “ILUSYONADA 2017! Take you first walk as a title holder. Now na! Loser!” Pang iinsulto pa niya sabay sabit sa akin ng sash.
“Aba kayabang mong bekikang ka! Wala kang idea sa mga pinagdaanan ni Jomar dahi sa ginawa mong pang aahas sa jowa niya. Kung makapag salitaka ay parang kung sino kang malinis. Gusto mo upakan na kita rito?” galit na tanong ni Yani
“Well if you are expecting some cheap cat fight, its not happening. Oh I forgot, mayroon din pala akong gift para saiyo.” Tugon ni Andy sabay kuha rin ng isang naka bilog na sash sa kanyang bag. “Ayan ILUSYUNADA 2017 1st Runner Up! Bagay iyan para sa konsintidor na loser na katulad mo. Panget!”
“DOUBLE KILL!!” sigaw ko sa aking sarili.
“Huwag mo nalang pansinin, halika na.” Ang pagyaya ko kay Yani na noon ay hindi maitago ang matinding pag kainis.
“Kahit isang sapak lang frend!” pag papa alam nito
“Huwag mo na patulan, umalis nalang tayo dito. Pagod na ako.. Please lang.” Pakiusap ko naman, tila ba sasabog ang aking dibdib kaya’t mas mabuting lumayo nalang.
“Tama, umispluk na kayo at matulog para may silbi naman ang pananaginip nyo ng gising. Sabi na nga ba dahil imposible talagang mag ka gusto sa iyo iyang si Bogart Linsangan dahil masyado siyang gwapo para sa isang katulad mo. Alanganin talaga eh, sobrang alangin talaga mga mader!! Galit talaga ako dahil pinaikot nyo kami na parang kulangot! Iyan ang bagay sa iyong mga title holder ng ilusyon!.” Maarteng dagdag pa niya pero hindi na namin ito pinatulan. Mas minabuti nalang namin na sumakay ng taxi at umiwas sa gulo.
Ang totoo noon ay wala na rin naman akong ganang makipagtalo o makipag laban sa kanya dahil pakiramdam ko ba ay pagod na pagod ako. May kung anong sakit ang namumuo sa aking dibdib na hindi ko mawari kung saan, kanino o bakit ko ito nararamdaman. Basta ang alam ko lang ay hindi maalis sa aking isipan ang mga ginawa ni Bogs. Bakit kailangan pa niyang ibuyayang ang kanyang katawan sa lahat? Bakit para bang nag woworry ako o nagagalit sa kanyang mga aksyon, naiinis na hindi ko maipaliwanag.
Tahimik..
Nanatili lamang akong naka titig sa kisame ng aking silid at noong mag damag na iyon ay hindi ako halos dalawin ng antok, maraming mga bagay ang gumugulo sa aking isipan kabilang na rito yung mga hirit ni Andy, napahiya ako at nanliit sa aking sarili ngunit batid kong deserve ko naman ito dahil nanloko ako ng tao. Sa tingin ko ay malaking karma na iyon para sa akin.
Itutuloy