Alyas Pogi AiTenshi July 14, 2017 Nakikita ko ang mga tao sa aking paligid ngunit wala akong naririnig na ingay maliban sa malakas na t***k ng aking puso. Maya maya ay unti unting dumilim ang aking paningin at bumagsak nalang aking katawan sa lupa. Part 45 "TAMA NAAA!!! Tama na Bogs!! Please!!" "Papatayin kitaaaa!! Demonyo kaaaaa!!" ang sigaw ni Bogs habang may hawak itong tubo. "TAMA NAAAAA!! TAMAAA NAAA!!!" ang sigaw ko sabay balikwas sa aking higaan. Ibayong sakit ng ulo at katawan ang lumukob sa aking sarili kaya naman muli akong nahiga at dito ay pilit na ikinalma ang aking kondisyon. Halos hindi pa rin maalis ang matinding kaba at takot sa aking kaibuturan lalo kapag naalala ko ang mukha ni Bogs na wari'y isang mabangis na hayop habang ibinubuhos a