Alyas Pogi AiTenshi July 7, 2017 Naka ngiti ito habang inaabot aking kamay. "Delikado sa lugar na ito. Nasaktan ka ba?" tanong niya Napatitig ako sa kanyang mukha at dito ko napag tanto na ang lalaking tumulong sa akin ay wala iba kundi si Niro. Ang dating leader ng compound nila Bogs. Part 32 "Salamat sa tulong mo. Uuwi na ako." ang wika ko habang marahang bumabangon. "Alas 12 na ng hating gabi. Wala ng sasakyan dito. Kung gusto mo ay mag palipas ka nalang ng gabi sa amin." ang wika nito "Hindi kita kilala. Paano ako makakasigurado na ligtas ako doon?" ang tanong ko "Dahil iniligtas kita rito. Kung gusto kong may mangyaring masama sa iyo edi sana ay hinayaan kitang marape ng mga lalaking iyon. Wala ka namang choice kundi ang umalis sa lugar na ito dahil madil