Alyas Pogi AiTenshi July 6, 2017 Part 29 "Uughh ahhh, ang sakit. Gumamit ka muna ng pampadulas para swabe ang pag pasok" ang daing ni Bogs habang namamalipit sa sakit. "Sobrang dami ng pampadulas. Masyadong masikip ang butas mo para biglain." tugon ko sabay halik sa kanyang noo "Ang laki naman kasi niyan eh. Dumugo yata. Icheck mo nga." daing nito sabay balikwas ng tayo. "Medyo dumugo nga, yung dating hikaw mo nalang ang gamitin mo. Bakit ba kasi kailangan mag pabutas ka pa dyan sa kabila. Ayos naman yung isa ah?" ang tanong ko "Sarado na yung butas ng tenga ko dito sa isa. Tagal ko na kasing hindi nalalagyan iyon ng hikaw kaya kahapon ay nag butas kami ni Brad doon sa mall. Liit naman kasi ng mabutas nila, parang karayom lang." reklamo ni Bogs. "Huwag ka n