Alyas Pogi AiTenshi June 20, 2017 Part 14 Kinabukasan pag gising ko ay natagpuan ko ang aking sarili na naka unan sa dibdib ni Bogs at nakayakap sa kanya ng mahigpit. Ang aking hita ay nakapatong sa kanyang tiyan at ang aking katawan naman ay naka kulong sa kanyang bilugang braso. Mistulang mag asawa ang aming posisyon kaya naman nakaramdam ako ng kakaibang hiya noong mapag tanto ko ito. Maharahan akong gumalaw upang kumalas sa kanyang pag kakayakap. "Ummppphh mamaya kana umalis, dito ka muna please." ang bulong niya habang naka pikit. "Baka nangangawit kana. Okay lang ako." ang sagot ko naman. "Hindi ako nangangawit, alam kong gustong gusto mo rin ito." ang sagot niya na parang nalilibugan hindi mo malaman. "Hindi noh, hindi ko nga alam kung paano ko napunta