HABANG nakahiga sa kama si Leslie ay walang ibang laman ang isip niya kundi ang mga sinabi ni Marco. Nahihiwagaan na talaga siya sa lalaing iyon. Bigla na lang kasi ito nakikialam tungkol sa tatay niya, bagay na hindi na niya pinagkainteresan noon. Ang sabi kasi ng nanay niya, huwag na raw niya hanapin ang tatay niya dahil matagal na iyong wala. But Marco’s proves that she was right, her mother lied to her. Buhay pa ang tatay niya. Bigla siyang nasabik nang malaman iyon. Hindi naman siguro iyon babanggitin sa kanya ni Marco kung wala itong alam tungkol sa tatay niya. Lumipas pa ang isang oras bago siya ginupo ng antok. Subalit tila karugtong ng panaginip niya na nasa loob siya ng nagyeyelong kuwarto. Manhid na ang katawan niya dahil sa sobrang ginaw. Mamaya ay bigla na lang may mainit n