Chapter 20

2751 Words

NANG maramdaman ni Marco ang presensiya ng paligid ay bumalikwas siya ng bangon. Nasa loob siya ng malaking aquarium na nagyeyelo. Dagli siyang lumabas at naghagilap ng maisusuot. Hindi niya alam kung nasaan siya, pero nasisiguro niya na nasa lugar siya ng mga bampira. Paglabas niya ng kuwarto ay namataan niya sa labas si Leandro na nakaupo sa bench habang nakadikuwatro. Namuo na naman ang galit sa puso niya nang maalala ang kaganapan. Galit siya sa lahat ng kaibigan niya na alam ang plano ni Dario pero hindi sinabi sa kanya. Nilapitan niya si Leandro at mahinahon itong kinausap. “Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito, Leon? Kilala mo ako, ‘di ba?” usig niya rito. Tiningnan lang siya ni Leandro. Malungkot ang anyo nito. “Sagutin mo ako, Leon!” Nagtaas na siya ng tinig. Tumay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD