NAKATAYO lang sa bukana ng pinto si Leslie, habang pinagmamasdan ang kanyang asawa na sabik sa tubig. Mamaya’y kumislot siya nang sabuyan siya nito ng tubig. “What are you waiting for, sweetie? Come on!” anito. Hindi siya nito tinititigan hanggang sa mabasa nang tuluyan ang katawan niya. Nagulat siya nang bigla siya nitong hilahin patungo sa shower. Ang bilis ng kamay nito, hindi niya namalayan ang mabilis na paghubad nito sa damit niya. “Sa totoo lang, ito talaga ang gusto kong breakfast,” anito habang kulong siya ng bisig nito. Natagalan lang ito sa pag-unlock ng bra niya. Nang mahubad nito iyon ay humaplos ang palad nito sa kanyang dibdib. Ginupo ng bayolenteng init ang kanyang kaibuturan nang mariing hubugin ng mga kamay nito ang bawat kaumbukan ng kanyang dibdib. Tiningnan niya it