PINAGMAMASDAN ni Leslie si Marco, habang tumutulong ito sa pagpala ng buhangin. Swimming pool na lang ang ginagawa sa likod ng katatapos na commercial building. Inaasikaso na ni Trivor ang permit ng gusali para puwede na iyong buksan ano mang araw. Alas-onse na ng gabi pero hindi pa sila umuuwi. “Hindi ka ba nagtataka kung bakit nagpapakahirap si Marco?” Kumislot siya nang biglang may nagsalita sa tabi niya. Paglingon niya sa kaliwa niya ay nakatayo roon si Riegen. May nakaipit na ball pen sa kanang tainga nito. “Hindi ko alam kung ano ang nakain niya,” sabi lamang niya. “Gusto niyang ma-impress ka.” Ngumisis siya. “Hm! Hindi bagay sa kanya maging construction worker. Masyado siyang mabango.” “Aba, parang gusto mong sabihin na mababaho ang construction workers, ah.” “Hindi iyon an