BUMALIK si Leslie sa academy para sa nalalapit na pag-iisa nila ng tatay niya. Doon kasi sa bagong gawang dark room isasagawa ang proseso. Hindi na niya ulit nakita si Marco, magbuhat noong huli silang nag-usap. Ipinapakita niya sa iba na malakas siya, pero walang gabi na hindi siya lumuluha. Nagkaroon pa rin siya ng pagkakataon na masubaybayan ang paglaki ng anak niya, ngunit hindi niya maipakita sa iba ang galak niya, gayung sa bibig mismo ni Marco nagmula na hindi siya nararapat maging ina. Pumatak na naman ang luha niya habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri sa dugo niya. Nag-iisa siyang nakaupo sa bench sa labas ng laboratory. Narinig niya ang papalapit na yabag pero hindi siya nag-abalang tingnan kung sino ang humahakbang palapit sa kanya. “Bakit hindi mo subukang suyuin si Mar