LEXXIE “PAANO KA?” tanong ni Killian sa akin nang ihatid ko siya sa labas. “Susunod ako. May gagawin lang ako.” “Thank you sa pagtiwala sa akin ng jeep mo.” “Ingatan mo lang, okay na ako doon.” Ngumiti siya sa akin. “Balitaan mo ako, huh?” Tumango siya sa akin at sumakay na sa jeep ko. Kailangan niyang bumalik para itsek ang sasakyan niya. Hinatid ko na lang nang tanaw si Killian kapagkuwan. At nang mawala na sa paningin ko ay tumingin ako sa silid ko. Kita ko ang bulto ni Ian na nakatayo sa malapit sa bintan. Walang ilaw pero alam kong siya iyon. Alangan namang multo, e, nakita ko siyang pumasok kanina doon. Abala si Rhea kasi sa komedor na dahil kinakausap ni Tita at Nanay. Pero tapos naman na ang dinner. Kaso mas gusto nilang mag-usap doon. Mabilis ang mga hakbang ko na pumaso

