LEXXIE’S POV NANDITO ako ngayon sa ospital. Maayos naman ang kalagayan ko nang umalis kami kanina pero hindi sumang-ayon si Tita Nikki at Nanay. Kailangan daw ma-check up ako at ma-monitor dahil sa nangyari. Sabi pa ni Nanay, paano daw kung may after shock? Ano ‘yon, may paglindol at pagsabog lang ng bulkan? Biro lang. Pero ang totoo niyan, may bulkang sumsabog sa loob ng silid ko ngayon. “Alam mo naman palang buntis ka, sumugod ka pa! Jusko, anak! Ano bang akala mo, Lexxie, huh? Anak mo ang mag-a-adjust kapag may balang tatama sa ‘yo? Kaya ba niyang magtago kung sakali? Hindi, ‘di ba?” Halata ang galit ni Nanay nang sabihin iyon. Pasigaw pa. Saka ngayon ko lang siya nakitang nagalit nang ganyan. Namumula din ang mukha niya kaya nakaalalay si Tatay. “Paano kung may nangyaring masama s

