IAN'S POV "KUMUSTA ang Ate Lexxie mo? Hindi pa ba lumalabas si Mommy?" tanong ko kay Paul na nakaupo. Isinugod ko si Lexxie dito sa ospital namin. Dahil pagbalik ko sa loob, nakahiga si Lexxie pero ang paa ay nakalaylay. Wala nga sa ayos. Hindi naman siya natutulog nang ganoong posisyon. Bawal naman sa kanya ang alanganing posisyon na 'yon, delikado sa ipinagbubuntis niya kaya kinabahan ako. Ginising ko siya pero wala siyang response. Nataranta ako noong una pero kumalma din kalaunan. Hindi dapat gano’n ang response ko kapag emergency. Iba kasi kapag mahal mo na ang nasa kalagayang ito. Mabilis ko siyang inayos at binigyan ng paunang lunas pero hindi pa rin siya nagising kaya tinawagan ko na ang ospital para ihanda ang gagamiting ER, gano'n din si Mommy. Magkasama naman sila ni Ninang

