LEXXIE NAKATITIG lang ako sa puno habang may hawak na baso na may lamang alak. Nandito ako ngayong sa bahay nila Sarhento Ignacio. Halos sa mga pulis na hawak niya at malalapit sa kanya ay dumalo din. “Sarhento, dumating po si General.” Nilingon ko si Dayudong. “Sino ang kasama niya?” “Hindi ko po kilala. Pero parang malapit din kila Chief at Sarhento. Sinalubong kasi nila.” Tumango ako sa kanya at sumunod na lang. Nasa likod ako ng bahay noon nila Sarhento para magpahangin. Kaagad akong sumaludo kay Tatay nang makita siya. Nakipagbeso na rin ako kay Tito Sebastian na siyang kasama niya pala. Alam ko naman ang pakay nila. Mukhang mag-uusap-usap ang mga ito kasama ang Chief namin tungkol sa file na nakuha nila Senior Officer De Mesa. Pasado alas onse naman na kaya nagpaalam ako sa

