IAN’S POV TINANAW ko na lang ang aking nobya na noo’y papasok na ng condominium building nila. Kakauwi lang namin mula sa dinner date. Malambing at maasikaso si Rhea sa akin lalo na sa trabaho at naninibago ako doon. Sanay akong panay lang ang utos sa assistant ko kapag nagugutom. Pero ngayon, nahuhulaan na ni Rhea kung kailan siya magpapadala ng pagkain sa akin. Minsan, nagugulat na lang ako. Hindi pa ako nakakautos sa assistant ko may dadating na pagkain. Parehas kasi kaming busy din dahil sa dami ng pasyente namin. Sa ngayon, hindi ko pa masabi ang totoo kong nararamdaman ko para kay Rhea dahil apektado pa rin ako sa mga nakikita kong nangyayari kay Lexxie. Kaya minsan, parang sayang ang effort ni Rhea sa akin dahil hindi bukal sa akin ang saya na pinapakita sa kanya. At nakokonsens

