LEXXIE "LAGI kayo dito ni Dayudong?" tanong ni Solis sa akin nang mag-park ako ng sasakyan. Inilinga pa niya ang tingin sa paligid. "Yup. Dito kami kapag nagmi-miryenda." Nginuso ko ang turo-turo na maraming mga bumibili. Mura na at masasarap ang pagkaka timpla kasi ng mga coat ng isaw at ng iba pa nilang panindang lamang loob ng baboy at manok. May kalamares din sila, at isa 'yan sa binabalikan ko. May mga sweets food din sila gaya ng kamote cue at banana cue. May kakanin din sila na talagang binabalik-balikan. Marami na ngang nag-feature na vlogger sa puwesto nila. Napatigil ako sa pagtanggal ng seatbelt nang mapansing napatitig na naman si Solis sa akin. "Kapag hindi ka tumigil kakatitig sa akin, ipapalipat kita," Napaayos naman siya nang upo pagkuwa'y tinanggal ang seatbelt na n

