LEXXIE KAAGAD kong in-off ang telepono ko nang makitang pangalan na naman ni Ian ang rumehistro. Alam kong nagagalit na naman siya dahil iniwan ko nga nang makatulog siya nang mahimbing. At ang sunrise niyang sinasabi? Hindi ko na nakita kung gaano din ba 'yon kaganda. Biglang tawag kasi si Niccolò sa telepono ni Ian at ako ang nakasagot. Nagpadala din pala siya ng text at malinaw na sinabi niyang nasa ospital si Killian. Isinugod dahil sa natamong sugat nito mula sa pakikipagbuno nito sa mga nakalaban nila sa misyon. Pero bago ako pumunta ng CMC ay dumaan ako sa bahay at nagbihis. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ko kay Killian na bagong gising. "Mabuti. Nawala ang sakit nang makita kita," aniyang nakangiti pero sapo ang tiyan. Balot na balot din ang braso niya sa kaliwa ng ben

