Chapter 55: Dinner

2071 Words

LEXXIE PABALIK na kami noon ng istasyon pero hindi ko pa nasasabi kay Killian ang balak ko. Tumingin pa ako sa orasan. Pasado alas kuwatro na. Baka wala na akong oras nito para magsabi. Pwede naman kasing sumama siya sa akin sa dinner, tapos balik kaagad kami sa istasyon dahil alanganin ang oras kung dumiretso uwi kami. ‘Yon ay kung wala na kaming pupuntahan mamaya. Akmang bababa siya sa jeep ko nang pigilan ko. "Um, Sergeant, okay lang ba kung i-adjust natin ang oras ng kain?" "Bakit?" "Um, naghanda kasi si Nanay ng dinner at... marami. Iniisip kong doon tayo kumain tapos balik din tayo kaagad." Napaharap siya sa akin na malapad ang ngiti. "Seryoso, Serge?" Tumango ako sa kanya. "Wow. Game ako." Pero natigilan siya saglit. "Darating din si General nyan. Hindi ba siya magagalit?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD