LEXXIE’S POV NAPABALIKWAS ako ng bangon nang marinig ang sigaw ni Ian. Dinig ko rin ang pagbasag kaya nataranta ako bigla. Buti na lang wala si Leander ngayon. Sabagay, kung nandito ang anak namin, hindi naman magwawala ‘yan. Pero bakit kaya ang aga niyang magalit? Tungkol ba ‘yan sa trabaho? Napangiwi ako nang maramdaman ang kirot nang bumaba ako ng kama. “Sh*t!” anas ko nang lalong kumirot iyon nang maglakad na talaga ako. Hindi naman halatang nasobrahan kagabi. ‘Di bale, hingi na lang ako mamaya ng gamot kay Ian. Hindi ko kasi matandaan kung saan niya nilagay ang susi ng cabinet kung saan naroon ang pain reliever niya. Meron talaga siyang stock lagi kaya hindi naman problema. Actually, kompleto naman kami. Napapakagat ako ng labi kapag binibilisan ko ang lakad nang lumabas ako ng

