LEXXIE’S POV “Bakit ka naman sumugod dito basta-basta? Hindi mo ba alam na trap lang ‘yon?” pasigaw iyon pero pamilyar sa akin ang boses niya. Naguguluhan ako sa sinabi niya. “P-pero ikaw ang nagbigay ng sulat sa akin at… ikaw rin ang nakausap ko ngayon–” Napatingin ako sa telepono nang mapansing nasa linya pa ang tumatawag. Inilapit ko iyon sa aking tenga. Bigla kong nailayo ang telepono nang marinig ang sigaw ng nasa kabilang linya. Mukhang pinagmumura niya ang mga nasa paligid niya. Iyon ang boses kanina na nakausap ko. “Hindi ikaw ang nasa kabilang linya,” sambit ko. Kinuha niya ang telepono at tinapon iyon. “P-pero ikaw ang nakita ko kanina.” “Yes, ako nga. Pero hindi ako ang nagbigay ng sulat sa ‘yo. Hindi mo dapat nilagay ang sarili mo sa panganib para lang mahanap ako.” “Z-

