LEXXIE’S POV AKMANG ihahakbang ko ang paa ko papasok sa coffee shop nang lumingon sa akin si Dariel. Hindi ko alam kung saan titingin. Ano kaya ang ginagawa niya dito? Hinahanap ko si Clara este si Kimberly, ang ka-text ni Ian kagabi. “Hey, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba bawal kang lumabas? Sinong kasama mo?” “W-wala. May binili lang ako sa mall.” Biglang turo ko ang malaking mall. Kita ko pa ang pagtaas ng kilay ni Dariel. Medyo malayo sa bahay namin kung tutuusin kaya alanganin ang mga tingin niya sa akin mayamaya. “Okay. Nagugutom ka siguro kaya ka pumasok dito.” Tumingin ako sa mga tinapay na nakadisplay. “Y-yup.” “Pumuwesto ka na lang sa aking mesa, mate. Wala akong ka-date.” “Kailan pa nawalan ng ka-date ang isang Dariel De Leon?” Napailing si Dariel sa akin. “Mukha ba a

