LEXXIE NGUMITI ako kay Nanay nang bumaling siya sa akin. Katabi niya ang mga kapatid ko. Sa pinakalikod ng van ako pumuwesto mag-isa dahil kako kailangan ko ng tulog. Tapos si Tatay naman nagmamaneho. Nasa biyahe na kami noon pauwi ng Baler para sa birthday ko. At nagwagi sila ni Killian na doon ganapin. Pero sabi ko, simplehan lang. Pasado alas-nuwebe ng gabi kami nakarating. Nauna kami kila Killian at sa mga bisita dahil ang sabi ni Nanay baka kasi may mga lilinisin pa. Though naitwag na ni Nanay sa caretaker na darating kami at doon gaganapin ang kaarawan ko. Nakabili kami ng lupa na malapit sa dagat at pinagawa din nila Nanay ang dating bahay nila kaya may matutulugan naman mga bisita namin. May sariling bahay na rin ako na katabi lang din nabiling lupa nila Nanay. Hindi kalakihan p

