Sa murang edad ay umibig agad ang aking murang kaisipan. Masyado akong naatract sa Magkapatid na Montenegro noon. Hinayaan ang sariling lamunin ng pag-ibig. Kahit na may itinakda sa iba. Umasa parin ako. Gusto ko mang iwasan ang magkapatid pero ayokong iwaksi yung mga tulong sakin ni Ezekiel. Ayokong iwaksi yung aming pinagsamahan. Lumipas pa ang ilang buwan. Bilang lang ang mga araw na hindi niya ako napupuntahan sa bahay ni Jose. Sa eskwelahan marami akong naging kaibigan. May nagtangkang manligaw pero sinagot ko na kung ano ang gusto ko. Mas mabuti na iyong hanapin ko muna ng sarili ko. Ayokong magpadalos dalos. Dahil sa pag dalos dalos marami akong nasaktan. Nasa isip ko narin yung dalawin ang puntod nila Lola sa nalalapit na summer break. Malapit na ang bak