"Manuel, b-baka anong gawin ni Ezekiel kay Catalena..." sabi ko habang nagdadrive si Manuel. Nangunot lang ang noo nito at bumuntong hininga. Nakatulog na si Angelo sa mga bisig ko habang ang yaya nito ay nasa likuran. "Kakausapin siya ni papa bukas.." sagot nito sakin. Huminga ako ng malalim. Sa nag daang taon, mas naging importante sa akin si Zeke. He helped me when I was so down nang magkalayo kami ni Manuel. Simula noong, nakunan si Chloe, simula noong pagpatira niya sakin sa kaibigan na si Josefina, simula nang magka amnesia at nawala si Manuel noon, ang laki na nang naitulong niya sakin. Gusto ko siyang tulungan ngayon kung anuman ang kanyang problema. Alam kong ilang buwan na hindi kami masyadong nagkita dahil may kanya kanya kaming pinagkakaabalahan. Ngayon ko lang s