Kabanata 34 Amazona Sinulyapan ko si Alas habang naglalakad kami sa pasilyo ng Sharingla's Mactan Resort and Spa. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko na tila ba ayaw niya akong pakawalan. Ever since we left the 10,000 roses, he never let it go. I decided to give him a chance. Iyon naman talaga ang kahulugan ng pagmamahal — ang magbigay ng pagkakataon hangga't mahal mo pa. Hangga't may nararamdaman ka pa. I was just eaten by pain and jealousy that I chose to break with him and remove him out of my life even though I know that it's hard and futile. Nilingon ako ni Alas. Naningkit ang mga mata niya nang maabutan akong nakatitig sa kaniya. "Quit staring at me. Kinakabahan ako sa mga ganiyang klase ng tingin mo." Natawa ako. "Bakit ka kinakabahan?" "The last time you stared at me that