Kabanata 28 Pity "M-Masaya ako para sa'yo," mahinang sagot ni Trish habang tipid na nakangiti kay Alas. She anchored her eyes on me and saw a shadow of tears. "Sa i-inyo." Hindi ako sumagot, o naglikha man lang ng kahit anong reaksyon. I keep looking at her, slightly wondering why she's here. Bakit siya bumalik? Did she realize that she still loves Alas? Bakit ngayon lang kung kailan mahigit kalahating taon na ang lumipas? Bakit ngayon pa? "M-Mauna na ako sa inyo." saad niya bago tumalikod at nagmamadaling nilisan ang lugar. Sinundan ko siya ng tingin. Sinuong niya ang ulan at tumakbo palayo. I glanced at Alas and found him staring at her direction. Bakas ang lungkot sa mga mata niya pero naiiba ito kumpara sa dati kong nakikita. His eyes before whenever he sees Trish were holdin