Eliza's POV Nagising akong wala na sa tabi ko si Keanne. Kagabi nga ay nakatulog na si Keanne habang tinatapos ko ang sketch ko. Umalis na kaya siya? Napabuntong-hininga ako bago tuluyang bumangon. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Pagkatapos ay tumingin ako sa salamin habang pinapatuyo ang mukha gamit ang tuwalya. May oras pa naman akong kumain. Maaga pa. Kailangan ko ring bumaba dahil nandito ang mga kaibigan ko. Baka mahihiya silang lumabas ng guest room kung wala ako. Paglabas ko ng kwarto ay kaagad kong tinahak ang guest room. Ngunit nang buksan ko ang pinto ay wala na sila dito. Nasaan na kaya sila? Napailing na lamang ako. Siguro nasa ibaba na. Lumabas ulit ako at tinahak na ang hagdan. Pagbaba ko ay napapahikab pa ako habang hinihimas ang batok k

