Eliza's POV "What's going on here?" Sabay kaming napalingon ng biglang magsalita mula sa pintuan ang tita ni Keanne. Si Tita Jas, nakataas ang mga kilay habang nakatingin sa akin. Naglakad siya palapit sa amin kaya naman tanging ang tinis na yabag na lamang ng kaniyang takong ang aming naririnig. Tila ba tumahimik bigla ang paligid at iyon na lang ang umingay. Huminto siya sa tapat ko. Hindi ko inaasahang lalapit sa akin si Keanne. Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa asawa ko. Sa mga oras na 'to, pakiramdam ko, ipagtatanggol niya ako. Napatingin si Tita Jas sa kamay kong hawak ni Keanne. "Wala bang magsasalita kung anong nangyayari dito?" nakapameywang na ngayon si Tita Jas. "Nothing." sagot ni Keanne. Napatingin ulit ako sa kaniya. Akala ko pa naman sasabihin niya an

