Eliza's POV Umaalingasaw ang amoy ng bawang at butter sa buong kusina habang dahan-dahan kong hinahalo ang seafood sa kawali. Kita ko kung paano nagiging makintab ang hipon at unti-unting bumubuka ang mga tahong. Alam kong magugustuhan ito ni Keanne. Naalala ko pa noong mag-date kami noon. Ito yung nagustuhan niyang luto sa sea food restaurant. Mahilig siya sa tahong. Napahinto ako sandali nang marinig kong bumukas ang pinto nitong kusina. May mga hakbang na papalapit sa akin. “Hmm. Anong niluluto mo?” Napapikit ako ng marinig ang boses ng tita ni Keanne. Unti-unti akong napaharap sa kaniya. “Tita...” mahinahon kong bati. “Kayo pala. Seafood po. Favorite ni Keanne.” nakangiting sagot ko. Lumapit siya. Nagtaas ang mga kilay niya. Kanina lang maayos naman siyang nakipag-usap sa aki

