Eliza's POV "Eliz, gising na." Dahan-dahan kong naimulat ang aking mga mata. Boses ni Mommy ang naririnig ko. Tumambad sa aking paningin ang mukha ni Mommy. "Mom?" naitukod ko kaaagad ang aking mga siko sa kama. "Ginigising lang kita para kumain. Anong oras na oh!" turo niya sa wall clock. Napahilamos ako ng mukha gamit ang sariling palad ng makitang alas dyes na ng umaga. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. "Mommy, hindi po ba pumunta dito si Keanne?" Dahan-dahang umiling si Mommy. Unti-unting bumagsak ang aking mga balikat. Hindi niya talaga ako hinanap. Hindi niya rin sinundan. Hinayaan niya na lang ako. Galit na galit siya sa 'kin. "Kailangan kong kausapin ulit si Keanne, Mom" "Anong gagawin mo? Hinayaan ka nga lang umalis kagabi. Kahit na anong

