Third Person POV "Ako na po ang maghahatid sa 'yo sa matutulugan mo, Mama." alok ni Keanne. "Mabuti ka pa bukas sa loob mong matutulog ako rito. Pero ang anak ko...mukhang ayaw niyang makitulog ako dito.” tila nagtatampo na sabi ng mommy ni Eliza. Bahagyang ngumiti si Keanne samantalang si Eliza naman ay nagsalita. "Hindi naman po sa ganoon, Mommy." dipensa niya. Bahagyang pinisil ni Keanne ang bewang ng asawa tsaka pasimpleng tiningnan ito. "Huwag na huwag mo susubukang sabihin kay Mama ang nangyayari sa atin." pasimpleng bulong ni Keanne sa asawa. Sila lamang ang nakakarinig. "Wala akong balak na sabihin ito kay mommy." "Then good." muling pinisil ni Keanne ang tagiliran ni Eliza. "Ilipat mo pansamantala ang mga gamit mo sa kwarto ko. Ako na ang bahala sa mommy mo." Tumango si

