46- HIKING 2

1101 Words

Eliza's POV Halos bumigay na ang mga tuhod ko sa pagod, pero nang tuluyan akong makatapak sa tuktok ng Mt. Daraitan, para bang lahat ng hirap at pagod ay biglang naglaho. Ang ganda, ang lawak ng tanawin mula dito. Kitang-kita sa ibaba ang napakahabang ilog at mga bundok. "Grabe! Nakakapagod pero worth it!" sigaw ni Jessa. Hindi ko napigilang mapangiti nang malapad. Parang batang napatalon si Jessa sa sobrang saya. “Nakaya natin!” sigaw ni Marco habang nakataas ang dalawang kamay. Narinig ko ang tawanan nila sa likuran. Paglingon ko, isa-isa silang napaupo sa tipak-tipak na bato, hingal na hingal. Pagod pa ang lahat kaya nagpahinga muna. Natanaw ko si William at mga tauhan niya na may dala ng mga pagkain namin. Nagtulungan silang ayusin ang folded table at inilagay ang pagkain.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD