Eliza's POV "Ang aga niyo naman po nagising, ma'am." hindi nakaligtas kay Brenda ang paggising ko ng maaga. Nandito kami ngayon sa kusina. Naghahanda ako ng almusal para kay Keanne. Wala lang, masaya lang ako ngayon. Dahil kahit papaano, humingi ng sorry si Keanne kagabi. Kahit pa lasing siya. Alam kong alam niya naman sinasabi niya. "Gusto ko lang ipaghanda ng almusal ang sir niyo. First time kasi na hindi siya nagising ng maaga." sagot ko. "Hulaan ko, ma'am...siguro nalasing si sir kagabi at may nadiligang bulaklak kagabi." ang lakas ng boses ni Brenda. "Ikaw talaga. Walang nadiligan kagabi. Nakatulog ang sir niyo kagabi." kinikilig na sabi ko. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko pa iyon kay Brenda. "Ay! Sayang naman. Sabi pa naman nila, mas maganda daw mag-do kapag lasing. Mar

