"Saan ka pupunta?" Nang makita ni Tyler na akmang bababa na si Lorraine sa kama, hinila niya ito at niyakap. Siyempre, maingat at iniwasang hindi matamaan ang sugat sa likod ni Lorraine. "Bitawan mo ako, maghahanap ako ng ibang silid na matutulugan,” pagalit na sabi ni Lorraine saka tinulak sa dibdib si Tyler gamit ang kanyang mga kamay at sinubukang bumaba mula sa kama. "Not good again!" Naningkit lalo ang mga mata ni Tyler. Sa pamamagitan ng kanyang isang kamay, hinawakan niya sa baywang si Lorraine at pinahiga. Habang hawak ni Tyler ang payat na baywang ni Lorraine na nakahiga sa kama, napasigaw si Lorraine. "Tyler, bitiwan mo ko, anong ginagawa mo? Alalahanin mo may sugat parin ako sa likod!" "I know, don't worry, I will be light." Namamaos ang tinig ni Tyler, bakas sa mga mata ang