Pagkaalis ni Tyler, isang mala-multo na pigura ang dahan-dahang lumabas mula sa isang malaking puno sa hindi kalayuan. Isang kakaibang ngiti ang sumilay sa kanyang mga mata. Natagpuan na nila ang hinahanap nila. Pagbalik sa kuweba, ibinaba ni Tyler ang ligaw na baboy at naglakad papasok sa kuweba. Mahimbing na natutulog si Lorraine, nakita rin niya na may dalawang ligaw pa na prutas ang natira. "Bakit kakaunti lang kinakain mo?" bulong niya. Matapos tignan saglit ang magandang natutulog na mukha ni Lorraine, kinuha ni Tyler ang jacket mula sa tagiliran at bahagyang tinakpan ang katawan nito. Agad siya bumalik kung saan niya inilapag ang ligaw na baboy para katayin iyon. Mabuti na lang at may malaki at malalim na uka na bato sa labas ng kuweba na may naipong tubig ulan kaya may magagamit