[ Kalissa ] Nagpanic ako kanina nang hindi ko makita si Karry sa tabi ko. Akala ko nasa kusina lang siya' pero nalibot ko na ang buong unit hindi ko parin siya makita. Tatawag na sana ako ng pulis, mabuti nung kukunin ko na ang phone ko ay agad kong nakita ang note na iniwan ng anak kong magaling. Hays. Tsaka bakot ako tatawag ng pulis? nandiyan nga pala sila Claude para bantayan si Karry. Nagiging praning nanaman ako, nang dumating kami rito ay nangako akong iiwasan kong maging praning dahil baka makaapekto yun kay Karry, baka kapag lagi akong nag aalala sakaniya at lagi ko siyang pinagbabawalang lumabas ay sumama ang loob niya. Ayoko namang mangyari yon. Tiningnan ko ang kitchen at nakitang walang-wala talagang stocks, kailangan din naming mamili mamaya. Napatingin ako sa oras, muk