[Kalissa] "Goodmorning," Pupungas-pungas akong humarap sa kabilang bahagi ng kama nang marinig ang inaantok pa na boses ni Blain. "morning," bati ko bago mabilis na patakan ng halik ang labi niya. Bigla niyang hinila ang bewang ko at niyakap ako ng may panggigigil. Natawa pa ako nang makiliti nang singhot-singhutin niya ang leeg ko. "Blain ano ba yan haha," tumatawa kong pinigilan ang ulo niya sa paggalaw sa leeg ko. "It's a perfect morning, and having a beautiful woman by my side makes me feel like I'm in heaven," bulong niya na ikinangiwi ko. "Napakagaling mo talagang mang-uto," pinisil ko ang pisngi niya ng titigan ako nito sa mga mata. "I'm telling the truth, Love; I miss seeing you every morning when I open my eyes." nakagat ko ang gilid ng pisngi ko sa loob nang bigl