[Kalissa] "Nakaalis na si Karry, Drake?" Salubong kong tanong kay Drake ng makita ko siyang papasok sa pintuan ng bahay. Nagtaka pa ako nang makita ang simangot na simangot nitong mukha na agad ring ngumiti ng makita ako. "Yes po, tita. Nakisakay po siya sa sasakyan nung River," natawa ako ng makita ang pag-irap niya pagbanggit ng pangalan ni River. "Nakasunod ba sakaniya ang mga bantay Drake?" tanong ko pa bago lumabas ng pinto at tumanaw sa gate. Naramdaman ko ang pagtabi niya saakin at paggaya ng pagtanaw ko sa malaking gate. "Opo, yung dalawa ay parehong nakasakay sa motor at yung iba ay nasa isang itim na van. Bakit po Tita?" Umiling ako at marahang humawak sa dibdib ko nang maramdaman ang abnormal na bilis ng t***k doon. "Para kasing kinakabahan ako, Mali ata na pinay