[Kalissa] Nanatili ako sa labas ng pintuan simula nang makaalis ang sasakyan ni Blain. Siya mismo ang naghatid kay. Ngayon' ay kausap ko ang Lola nila Lucy upang ipaalam na papunta na ron si Karry. Hindi ko inaasahang ganito kabilis na magiging close si Karissa sa magkapatid. Unang beses na nagpaalam ni Karry na pupunta sa kaibigan... "Narinig ko pong inimbitahan niyo si Karry na mag-sleepover sa inyo, kaya ngayon papunta na po siya diyan ngayon" "Oh?—Yes, yes... haha she's on her way na ba? Naku at talagang matutuwa itong magkapatid." sagot nito sa kabilang linya, nagtaka pa ako na parang may mga bumubulong sa background pero di ko na lang pinansin. "Ngayon na po muna ang bahala sa anak ko... unang beses niyang magpapalipas ng gabi sa bahay ng kaibigan baka po manibago." nag-aa