"Tumigil ka na nga kakangiti," Naasar kong suway kay Blain nang makita ang pagpipigil niya ng ngiti. Mas lalo pa tuloy nakakainis ang ginagawa niya na ipinapakita niya saaking pinipigilan niya ang matawa. "Okay I'll stop pfft—ahem!" Pabiro ko siyang itinulak sa braso at kinuha na ang cinema ticket sa babae. "Seryoso na Blain, tama na kasi..." parang batang pagdadabog ko na. Tumatawa siyang umakbay saakin at padamping hinalikan ang gilid ng noo ko. "I'm just happy; you kissed me earlier; who wouldn't be? It's a bit sad Karry didn't record that earlier." natatawa nalang akong napailing dahil sa sinabi niya. Hindi ko na mababawi ang ginawa ko kanina. Halikan ko ba naman siya' sa tapat ng anak namin, sa tapat ng mga sales lady at ng iba pang mga tao. "Anyway, where is our daug