[Kalissa] "Here, nagdala ako ng mga pagkaing gusto mo." Tiningnan ko ang mga paper bag na inilapag ni Kuya Zen sa mini table. Nilingon ko si Karissa bago tumango kay Kuya' Zen. Wala talaga akong gana kumain lalo pa at iniisip kong si Karry nakaratay lang sa kama, hindi ko kayang kumain. "Salamat," walang kabuhay-buhay kong sagot sa kanya. Narinig ko ang pagbuga ni Kuya Zen ng hangin sa bibig niya bago umupo sa harap ko at isa-isang ilabas ang mga baunan. "Kailangan mong kumain Kally, gusto mo bang pati ikaw ma-hospital? Mas lalo lang mahihirapan si Blain kung pati ikaw magkakasakit." Tumingin ako sakaniya pero agad ring napayuko nang makaramdam ng guilt. Wala si Blain ngayon dahil may kailangan siyang asikasuhin saglit sa kumapnya kasama narin ang kaso para kay Mr. Salvatore. M