"Look it's a heart!" "It's not pretty" "What? it's not? it's Daddy's heart..." "Hehe, it's quite alright nemen pala!" "Wow! You talked Tagalog sweety!" "I know how, but it's shtill hard" "That's fine, everything takes time" Napakamot ako sa ulo ko habang nakasilip sa kanilang dalawa na nasa kusina at may minomold na kung ano. Kung mag-usap akala mo magtropa lang, bumuga ako ng hangin bago nagdesisyong pumasok na sa kusina nang makita ko ang pagkahulog ng harina sa sahig. "Ano at parang binagyo na ang kusina?" sabay silang nag-angat ng tingin saakin. Napangiti pa ako nang makita ang parehong ekspresiyon nila tuwing nagugulat. "Mommy!" "Kally..." Pinagkrus ko ang dalawang braso ko at tinaasan sila ng kilay, nagkukunwaring inaantay ang sagot nilang dalawa. Kinagat ko a