Malalim na ang gabi, mahimbing narin ang tulog ni Karissa na dito sa kwarto ko natulog dahil naninibago pa siya. Inayos ko ang kumot sa katawan niya nang mapansing nilalamig ito. Umayos ako ng upo bago lumingon kay Karry. Inangat ko ang isang kamay ko at maingat na hinaplos ang pisngi niya. Nang sabihin niya kanina na she likes this place cause it's warm, naintindihan ko kaagad ang gusto niyang iparating. Gusto niya sa bansang to dahil dito marami kaming nakakasalamuha, dito pakiramdam ni Karissa malaya siyang maging masaya. Iba kasi sa Canada kung saan kami nakatira. Yes, nakakasama namin sila Kuya Zen at si Delious, We have Henry and Delious parents too... pero ramdam parin naming dalawa yung lungkot kapag kami nalang dalawa ang naiiwang magkasama. Minsan naiisip ko, what if nagkaro