KASALUKUYANG nasa malalim na pagmumuni-muni si Maximus nang tumunog ang kanyang cellphone na nasa loob ng bulsa ng kanyang pantalon. Kaagad niya itong kinuha habang hindi inaalis ang tingin sa magandang tanawin ng paradiso, kung saan una niyang dinala si Aquila upang makasama, ito din ang pinakamahalagang lugar na nais niyang puntahan palagi sapagkat dito niya unang narinig na mahal din siya ng babaeng iniibig. Hindi na niya binalak pang tignan ang caller at agad na lamang itong sinagot. “Hello,” he asked the caller. “Sir Maximus.” Dinig niyang boses ng kanyang tauhan na si Zake. Hindi niya batid ang dahilan ng pag tawag nito ngunit isa lang ang alam niya, hindi ito tatawag ng walang dahilan. “What? why you sounds like stupid?” tanong niya dito nang maramdaman ang pag-aalala nito s