"I know. But Divorced is different from being single." - Alex Halos hindi malunok ni Phil ang kinakain nya sa sobrang hiya nya sa kaharap nyang si Chef Alex na pinapakain ang kanyang anak na nakakandong dito. Mabait na bata si Andrei, tahimik at sobrang gwapo. He got his father's feature kaya kahit ikailang anak nya ito ay walang maniniwala. "Aling Celie pwede ko po bang makausap si Phil?" Magalang na paalam ni Alex ng tapos na silang kumain. "Ay oo naman po Mr. Ji. Maraming salamat po sa paghahatid sa anak ko at sa pagtanggap po sa kanya sa restawran ninyo." Turan ng kanyang ina. Tumango lamang si Alex at tumingin sakanya. Kinuha naman ni Aling Celie si Andrei at bumaling kay Phil. "Anak, ano pang ginagawa mo dyan, kakausapin ka daw ng boss mo. Doon na kayo sa tabing dagat." Anito at s