Ang tadhana ay talaga nga namang mapagbiro, hindi natin alam kung anong mangyayari sa ating hinaharap. Minsan ang akala natin na siya ang makakatuluyan natin ay hindi pala, minsan may mga pangakong hindi talaga natutupad, dahil 'yun na talaga ang nakatadhana. Nangyayari ang mga hindi nating inaasahang mangyari sa hinaharap. Nang ibalita namin ni drex sa parents namin na nagkabalikan na kami ay talaga namang tuwang-tuwa sina tita Mesha at Mommy, and of course, Daddy and Tito Harold. Talagang makikita sa kanilang mga mukha ang tuwa sa nalamang nagkabalikan na kami ng dati kong best friend na ngayon ay asawa ko na. Nakauwe narin sina mommy, daddy at Loraine sa mansyon. Nang malaman kasi nila na okay na kami ni drex ay kinabukasan din ay umuwe agad sila, talagang binigyan lang nila kami ni d