PAGKARATING ko sa hospital ay agad nilang isinagawa ang operasyon kay Monica. Gusto ko sana magwala at magalit sa bumubuo ng hospital para sa ganitong patakaran nila, pero minabuti ko na lang na magpunta sa chapel at magdasal ng mataimtim.
Noong una, naiilang pa akong pumasok dahil never pa akong nagpunta o pumasok sa simbahan. Never din akong lumapit sa itaas. Never pa din akong nagpasalamat sa mga ibinigay niya o humingi ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan. Kaya sa pag tapak ko pa lang sa tahanan niya halos malusaw na ako sa sobrang hiya.
Pero alam ko at naniniwala ko na sa mga sandali na ito, walang ibang makakatulong kay Monica kundi siya at walang ibang magpapagaan ng dibdib ko kundi siya.
Lumuhod ako at mariin na pumikit. "Lord, alam kong wala akong karapatan na lumapit sa inyo dahil minsan kitang itinakwil sa buhay ko. Ni minsan hindi ako naniwala sa inyo. Hindi ako nagpasalamat o humingi ng tawad," pag-uumpisa ko.
"Pero kayo lang po ang makakatulong sa kapatid ko. Kailangan ka po niya ngayon. Huwag mo pong kunin sa'kin ng kapatid ko, siya na lang kasi ang natitira sa buhay ko. Pinapangako ko ho na magiging mabuti pa akong kapatid sa kanya, gagawin ko ang lahat para sa kanya at para sa ikabubuti niya." pinahid ko ang luhang tumakas sa'king mga mata.
"Humihingi po ako ng kapatawaran sa mga nagawa kong pagkakamali noon. Kung pwede ko lang maitama ang lahat, gagawin ko..."
Pagkatapos kong magdasal ay bumalik na ako sa waiting area at naupo roon. Hinihintay na lumabas ang doktor na siyang nag-opera kay Monica
"Adrian!" nabaling ang tingin ko kay Ken na tumatakbo palapit sa kinaroroonan ko.
Hindi ako makapaniwalang napa tuwid ako sa pagkaka-upo. "A-anong ginagawa mo rito?" hindi ko inaasahan na pupunta siya rito.
Hingal itong naupo sa tabi ko. "Hindi man ako makabigay ng tulong financial, self support na lang. Pasensya ka na, gipit din ako ngayon eh." naka ngiwi nitong sabi.
Sandaling araw ko pa lang kakilala si Ken, pero napalagay na ang loob ko sa kanya. Alam ko kasi na mabuti siyang tao.
Tipid ko siyang nginitian. "Naiintindihan ko. Naka diskarte naman ako ng pambayad sa operasyon ni Monica." halos hirap kong sabi.
Nakuyom ko ang kamao. Hindi ko pa rin maiwasang mandiri sa tuwing naaalala ko kung paano ako babuyin ni Mr. X, kung paano niya ipinamukha sa'kin kung gaano na ako kababa ngayon.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ko ang ganitong mga bagay, 'yun bang ibigay ang sarili sa hindi ko kilala, lalo pa sa isang lalaki. Pakiramdam ko maraming nagbago at maraming nawala sa akin pagkatapos ng nangyaring iyon.
But I believe there's no permanent in this world. Lahat ay pwedeng magbago at mawala. Tulad ngayon, mayaman kami noon pero mahirap na ngayon.
"Anong nangyari sa katawan mo?" pukaw ni Ken sa'kin, habang ang mga mata nito ay naka tingin sa namumula kong mga braso at leeg.
Madiin ko kasing kinuskos ng katawan ko kanina habang naliligo ako, para lang matanggal ko ang pandidiri ko. Pero hindi naging sapat 'yun.
"Don't mind it." sabi ko na hinihimas ang mga braso ko. Hindi na rin ito naka pagsalita pa nang lumabas ang doktor na siyang nag-opera kay Monica.
Agad ko siyang nilapitan. "Doc, kumusta ho yung kapatid ko?"
Tipid itong ngumiti. "Naging successful ang operasyon at stable ang pasyente. Dadalhin muna siya sa recovery room at mamayang gabi siya maililipat sa magiging kwarto niya. Mauuna na ako." aniya na tinapik muna ako sa balikat bago niya ako nilagpasan.
"Salamat ho doc!" habol ko sa kanya.
"K-kuya..." agad akong nagising nang marinig ko ang boses ni Monica. Kasalukuyan na kaming nasa kwarto nito.
Agad akong tumayo para lapitan siya. "Kumusta pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" sunod-sunod kong tanong.
Marahan siyang umiling. "How about you, kuya. Are you okay?"
Napatawa ako ng pagak sa tanong niya. "Ikaw ang inoperahan at nakahiga dyan, ako pa talaga tatanungin mo?" hindi ko naiwasang pumatak ang mga luha ko. "You scared me."
"S-sorry, kuya... I didn't mean to scared you." Nahihikbing sabi niya. "S-sigurado pong nahirapan ka maghanap ng pera pambayad d-dito sa hospital."
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko. Hindi ko dapat pinapakita sa kanya na mahina ang kuya niya.
Umiling ako ang mahinang pinisil ang kamay niyang hawak-hawak ko. "Ang mahalaga, you are safe now. Remember when I told you, I'll do everything for you? I mean it. Kaya huwag mo ng intindihin 'yun."
Matipid siyang ngumiti. "Thank you, kuya. I love you po."
Sinapo ko ng mukha niya. "I love you too."
Tikhim sa aking likuran ang nagpabaling sa amin sa bagong dating. It's Ken. Napa kunot ako ng noo. Ano pa ginagawa niya rito? Akala ko umuwi na siya.
"Good evening. Bumili ako ng makakain." aniya na itinaas ang supot ng binili nitong pagkain.
"B-bakit nandito ka pa?"
"Pauwi na rin ako. Binilhan ko lang kayo ng makakain." anito na inilapag ang supot ng pagkain sa lamesa na nasa gilid ng kama, kuway hinarap niya si Monica.
"Hi Monica! Ako si kuya Ken, kaibigan ng kuya mo."
"Hello po, kuya Ken." ganting bati naman ni Monica.
"Kumusta pakiramdam mo?"
"I'm feel better na po. Manliligaw po ba kayo ni kuya?"
Pareho kaming natigilan ni Ken sa tanong na 'yun ng kapatid ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Saan niya nakuha ang mga ganung bagay?
"Monica! Where did you get that idea?! Nakakahiya kay kuya Ken mo!" sita ko sa kanya.
"Sorry po!"
Tumawa ng pagak si Ken. "Ayos lang." Nilingon niya ako kuway kinindatan. Ikinatigil ko ang ginaw niya.
Muling hinarap ni Ken si Monica. "Magpagaling ka ha?" aniya kuway sa akin naman siya humarap. "Mauna na ako, Adrian."
Tinanguan ko siya. "Sige, Ken. Maraming salamat. Nag-abala ka pa."
Nangamot siya sa batok. "Maliit na bagay. Sige." muli itong nagpaalam sa kanila bago siya tuluyang umalis.
PAHILAMOS akong naupo sa waiting area sa labas ng ward room kung saan ang kwarto ni Monica Kakabigay lang kasi sa'kin ng discharge bill at umabot yun kulang-kulang 30 thousand.
Saan naman kaya ako kukuha ng pambayad?
Marahas akong nagbuga ng hangin. Noong nakaraang araw nga sobra-sobra ang dinanas ko bago ako makahawak ng 50 thousand pesos.
Mariin akong pumikit kasabay nang pagkuyom ng aking mga kamao. Nang muli kong maalala ang tagpong 'yun ay agad na nangilabot ang katawan ko. Hindi ko na gugustohing maranasan pa 'yun. 'Yun ang tagpong gusto kong kalimutan sa buong buhay ko.
Muli akong nagbuga ng hangin kuway tumayo. Inayos ko ang mukha ko at ang sarili ko bago ako bumalik sa loob ng ward room. Naabutan kong gising na si Monica at kinakain na nito ang rasyon na binigay kanina. Masigla na itong kumain kumpara sa nakalipas na araw.
"Good morning, kuya! Join me." Alok niya sa'kin.
"Kumain na ako, baby." pagsisinungaling ko kahit hindi pa.
"Did you already drink your medicine, kuya?" tanong pa niya habang kumakain.
Saglit akong natigilan dahil ilang araw na rin pala akong hindi nakakainom ng gamot ko. Ubos na kasi at wala pa akong pambili.
"U-umh, yes. K-kanina." muling pagsisinungaling ko.
"Okay." aniya na pinagpatuloy ang pagkain.
Doon tumunog ang call ringtone ng cellphone ko. Si manang Mina ang natawag, ang may ari ng unuupahan ko kaya agad ko 'yung sinagot.
"Manang?"
"Umuwi ka, madali!" hindi magkumahog na sabi nito.
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pag-iyak nito. Naririnig ko rin ang ingay mula sa kabilang linya. May umiiyak at may sumisigaw.
"Nasusunog ang apartment building!" sigaw niya.
"A-ano?!"
TILA ako binuhusan ng malamig na tubig nang makita kong onti-onti nang nilalamon ng apoy ang apartment building na inuupahan namin ni Monica. Yung mga gamit namin, at mga importanteng papeles ay nasa loob.
"Padaanin ninyo ako!" sigaw ko habang hinahawi ko ang mga taong nagkakagulo.
Malapit na akong makapasok sa loob nang harangan ako ng isang bumbero. "Masyado na hong delikado!"
"Padaanin mo ako!" sigaw ko sa kanya na pilit kumakawala mula sa kanyang pagkakahawak.
"Napapahamak ka! Maaari ka nang mamatay sa laki ng apoy!" sabi niya na ikinatigil ko.
Bigla kong naalala si Monica. Kung mapahamak man ako ngayon, ito ang lubos na mahihirapan.
"Pakiusap, maupo ho muna kayo doon," mahinahon na nitong sabi sa'kin. Hindi na ako nagpumilit pa at naupo na lang ako sa gilid.
Niyakap ko ang mga binti ko at tahimik na umiyak. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na lalaki ako at hindi dapat na umiyak sa ganitong mga problema. Pero baliwala lang 'yun at sadyang mahina ang loob ko sa mga problema. Marahil nasanay kasi ako na walang pinoproblema sa pera noon na halos kaya kong bilhin ang lahat. Dahil nga rin doon, naisipan kong hindi tapusin ang kulehiyo ko dahil may pera at negosyo naman kami kaya hindi ko kailangan pang mag-aral.
Ngayon pinagsisisihan ko na ang lahat. Kung pinagbutihan ko sana ang pag-aaral ko noon at hindi umasa sa perang meron kami edi sana may maganda akong trabaho ngayon at hindi nahihirapan at nangangapa. Kaya ko sanang harapin lahat ng mga problemang dumarating sa'kin ngayon. Inaakala ng lahat na malakas at matapang ako, pero ang totoo, mahina ako.
Ngayon wala na kaming bahay at mga gamit. Saan pa kami titira ngayon at kukuha ng ibang kailangan namin?
Bakit ba nangyayari ng lahat ng ito sa amin? Bakit ba kami pinapahirapan ng ganito ngayon? Paano na kami? Saan ako lalapit para humingi ng tulong?
Sisiguraduhin kong wala kang ibang matatakbuhan at maaasahan kundi ako lang.
Be mine.
Be my toy.
Let me use your body as my toy, but don't worry. I will pay you fifty thousand pesos everytime I use your body.
Sunod-sunod na emecho ang boses ni Mr. X sa utak ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa mga braso ko habang patuloy na umiiyak.
"BALITA?" tanong ko kay Lee mula sa kabilang linya.
"Matagumpay ho naming naisagawa ang pinag-utos ninyo, Mr. Salvador." agad nitong sagot.
Tumaas ng sulok ng labi ko. Sa'kin na naman ang tagumpay ngayon. Well, wala namang trabaho na hindi ko napagtatagumpayan.
"Good job! Siguraduhin ninyong naka antabay kayo sa bawat galaw niya."
"Masusunod ho," pagkasabi ni'yun ay agad niyang pinutol ang linya.
Doon naman may kumatok sa pinto ng opisina ko na agad ikinainit ng ulo ko. Sinabi ko kay Monti, ang secretary ko bilang Mr. X na ayokong maistorbo ngayon!
"Ano ba?! I told you, dont f*cking disturb me—"
"I'm sorry, sir. Nagpupumilit ho si Mr. Amado na makausap kayo, importante raw po." anito na nagpahinto sa'kin.
Pagkarinig ko sa apelyido ni Adrian ay agad na nawala ang pagkainit ng ulo ko.
"Let him in." utos ko sa'king secretary. Agad ko namang sinuot ang itim kong maskara.
Pagkasabi kong 'yun ay doon bumukas ng pinto at iniluwa ni'yun si Adrian. Pero agad akong natigilan nang makita ko ang itsura niya. Madungis ito at puno ng uling ang mukha at katawan nito. Bakas din sa mukha nito ang pagod at matinding pag-iyak.
"I need a house to stay and I need m-money... P-please h-help me." he cried. Yumuko ito. "I'm yours right? You will provide what I need." mahina nitong sabi, pero rinig na rinig niya 'yun.
Kinuyom ko ng mga kamao ko. I want to ask him what happened to him, but I keep silent. Malalaman ko naman 'yun kahit hindi ko siya tanungin. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon.
"Yes, you're mine. Pero wala kang karapatan na humingi ng kahit ano."
"I'll do everything you want. J-just help my sister."
"I'm not an orphanage, Mr. Amado."
"Please..." aniya na nanatili pa ring nakayuko.
"Look at me, Adrian and tell me again that you are willing to be my pet." mariin kong utos. Gusto kong marinig ulit ang sinabi niya nang mas malinaw.
Para itong isang tupa na nagtaas sa kanya ng tingin. Ang matalim na tingin nito noon ay napalitan ng pagmamakaawa. Nakakatawa lang isipin na ang dating kinatatakutan noon, ngayon nasa harapan na niya ngayon at nagmamakaawa.
"I am willing to be your toy, Mr. X."
Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ko. "This will not be easy."
"Kakayanin ko," mabilis niyang sagot. "Ibigay mo lang ang lahat ng mga pangangailangan namin ng kapatid ko at hahayaan kitang gawin ang g-gusto mo sa'kin."
Tumawa ako ng nakakapang-insulto. "I can do everything I want with you even if you don't want to, because you are mine."
Nagbuntong hininga ako. "Once you become my toy, there's no turning back. I'm no saint."