NAKATUON lang ang tingin ko sa pintong pinasukan ni Adrian. Nang matanggap ko 'yung text message sa akin kanina agad akong nagpunta kung saang hospital naroon si Adrian. Mabuti na lang na napaaga ang punta ko roon bago pa mangyari ang hindi inaasahang aksidente. Pero iilang katanungan ang pumapasok sa isip ko. Una, kung ano ba talaga ang ginawa ni Adrian sa hospital, kung totoo ba ang sinabi nitong may dadalawin lang ito roon. Pangalawa, bakit si Adrian ang target ng kung sino mang nagpadala sa'kin ng text message. Pangatlo, mayroon ba itong kaugnayan sa pagdala ni Adrian sa black market at sa nangyaring pagkasunog ng inuupahan nitong bahay? Nagbuntong hininga siya kuway tumayo sa pagkakaupo mula sa executive chair niya at nagtungo wall to wall mirror at pinagmasdan ang nasalabas ng buil